TRADOC, magsisilbing host ng Training Activity Land Malaysia-Philippines

CAPAS, Tarlac, Setyembre 7 (PIA) – Magsisilbing host ang Training and Doctrine Command o TRADOC sa ika-16 na Training Activity Land Malaysia-Philippines o MALPHI na gaganapin sa Setyembre 9—21 sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.

Ang taunang bilateral exercise sa pagitan ng Philippine Army at Malaysian Army ay naglalayong hubugin ang interoperability ng hukbo gamit ang combined army operation exercise.

Ayon kay Civil Military Operations chief Lt. Col. Oscar Partuza, patuloy na pinagtitibay ng Philippine Army ang defense ties nito sa Malaysian Army sa pamamagitan ng mga cross-training activities na nakapokus sa interoperability at counter-insurgency operations.

Dagdag ni Partuza, ang mga cross-trainings na ito ay bahagi ng international agreements ng Army na nakatuon sa pagpapaunlad at pagpapalawig ng mga cooperative activities ng defense at security ng Malaysia at Pilipinas.

Aniya, patuloy ang Philippine Army sa paglahok sa mga international defense at security engagements na hindi lamang naglalayong paunlarin ang kanilang pakikisama sa allied at foreign armed forces, kundi nagbibigay daan din sa capability development.

Pitumpu’t anim na kawani ng Philippine Army at 30 mula sa Malaysian Army ang lalahok sa nasabing pagsasanay. (LGCC/PIA-3)

Advertisements
By pia3tarlac Posted in News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s