Pamunuan ng NLEX, suportado ang planong high speed railway na kokonekta sa NAIA, Clark Airport

Suportado ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), holding company ng Manila North Tollways Corporation (MNTC), ang planong pagkonekta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport (CIA) sa pamamagitan ng high-speed train na daraan sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sa isang panayam, sinabi ni MPIC President Ramoncito Fernandez na handa silang padaanin ang tren sa gitna ng NLEX basta’t maisapinal na ng pamahalaan ang “airport strategy” nito.

Magpahanggang sa ngayon kasi ay patuloy pa rin ang isinasagawang pag-a-aral ng Department of Transportation and Communications sa kung ano ang pinakamainam na paraan upang mapabuti ang airport system ng bansa.

Kabilang rito ang single kung saan isasara ang NAIA at ililipat lahat ng operasyon nito sa CIA, dual kung saan kapwa magiging complementary airports ang NAIA at CIA at paghahanap ng bagong lokasyon para sa paliparan sa Metro Manila. (SFV/PIA)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s